Wednesday, November 3, 2010

[Live update] Casiguran Relief Operations (update 4 Nob. 2010 12:26 PM)

Kasalukuyan 12:26 PM, nakapamigay na po ng pagkain para sa 15 pamilya sa Munisipyo ng Casiguran.

[Live update] Casiguran Relief Operations (update 4 Nob. 2010 11:40 AM)

Kaninang 11:40 AM, di makausad ang parating na life boat papuntang Esperanza Elementary School dahil sa lakas ng alon. Susubukan muli ng 1PM.

[Live update] Casiguran Relief Operations (update 4 Nob. 2010 12:00 PM)

As of 11:52 AM: Evacuees at Central School: 149 persons
Affected Families and Pending Rescue:
Brgy. Culat - 20 families (200 persons)
Brgy. Calantas - 46 families

Status ng baha as of 11:30 AM

  • Liwayway St., knee level
  • Mount Carmel Area - below the knee
  • Public Market Area - chest level
  • Casiguran Market Area - Chest level
  • Brgy. Lual - Hip level
  • Ditwani - Landslide

[Live update] Casiguran Relief Operations (update 4 Nob. 2010 11:22 AM)

(APECO Headquarters, Makati) Busod ng walang tigil na ulan mula 31 Okt. sa Casiguran,  tinatayang abot tuhod na ang baha, walang kuryente, at mahirap makapasok ang relief at rescue.

Nakalahad po dito ang sunud-sunod na pangyayari mula kaninang umaga tungkol sa relief operations na ginagawa ngayon ng APECO mula sa tanggapan sa Makati at Casiguran.

RESPONSE
  • 6:20 AM - Pakikipag-ugnayan para sa rescue at disaster response
  • 8:10 AM - Pagpapadala ng gasolina para sa speed boat ng Navy.
  • 10:00 AM - Philippine Navy nakarga na ang 50 liters ng gasolina para sa speed boat na nasa Casiguran.
  • 10:24 AM - Umpisa ng pakikipagugnayan sa Aurora Red Cross Chapter para sa pagpapadala ng life boats at pagkain
  • 10:25 AM - Gng. Elena Ladignon ng Red Cross Nueva Ecija, nakikipagugnayan sa Aurora Red Cross para sa life boat at pagkain
  • 10:41 AM - Aurora Red Cross c/o Mr. Sherwin Nakar organizing volunteers.
  • 10:47 AM - Naipaalam na ng Aurora Red Cross sa Manila Headquarters ang sitwasyon sa Aurora
  • 11:00 AM  - APECO nakatannggap ng balita mula na ang Army at papunta na.
  • 11:00 AM - APECO pinaplano ang paraan ng relief goods distribution